Internet person talking about the internet

So, I’ve been busy like hell because it’s a few days till finals start and I am swamped with requirements with impossible deadlines. Luckily, today was the deadline for the newspaper we were working on for about a month now, and I have been working endlessly with my group mates to make it perfect.

I want you guys to read one of my articles. This is my column entitled “Ang internet bilang enabler”.

 

Noong bago ang internet, wala akong ginawa kundi puriin ito. Hindi ako makapaniwala sa panibagong mundo na binuksan nito para sa akin. Ang bilis ng pagdating ng impormasyon na kinakailangan ko ay overwhelming, ika nga. Kabutihan lang ang nakita ko dito.

Bakit nga naman kabutihan? Nagkaroon ng pamumuhay ang ibang tao dahil dito ng hindi kailangang unalis ng bahay. Pagbebenta ng kung anu-ano na kailangan ng tao, at benepisyo rin ito sa mga mamimili dahil hindi na rin nila kailangang umalis ng bahay. Ako mismo ay adik na adik sa Amazon. Ilang sermon na ang nakuha ko dahil sa biglang paglobo ng aking credit card bill. Hindi rin naman kase ako makapagpigil, hindi ko kailangang mag exert ng kahit anong effort upang makapamili. Pindot dito, pindot doon at iintayin ko na lamang dumating ang bagong dadgdag sa koleksyon ko ng DVD.

‘May mga artista din na sumikat lalo dahil dito. Si Charice, na gasgas na ang pangalan ngunit hindi natin mapagkakaila na dahil sa internet, nakita siya ni Ellen at Oprah at doon na nagsimula ang mas magandang parte ng buhay niya. Aba eh, si Justin Bieber, na ngayon ay hindi makagalaw na hindi mairereport sa internet ay nagsimula lamang sa paglalagay ng kanyangg mga bidyo sa youtube.

Maraming sumisikat at yumayaman, ngunit panandalian lang. Ang attention span ng tao ay lumiit dahil sa bilis ng information dissemination sa mundo ng internet. Magaling siya kahapon, ngunit tignan natin tong bago, mukhang mas magaling pa siya. Ganyan na ngayon sa internet.

Lumipas ang maraming taon at maraming tao ang nakahanap ng paraan para bigyang balanse ang kabutihan na handog ng internet. Nakahanap ng paraan ang tao upang bigyang kasamaan ito, para may yin and yang.

Marami ang makakaiisip na pornograpiya ang sinasabi ko, ngunit noon pa man, kahit wala pang internet ay may paraan na para makahanap ang tao nito. Pinabilis lang ng internet ang pagdating nito sa tirahan ng mga nangangailangan. Ang cyberbullying ang malaking problema na iniisip ko.

Sa dali ng pagkuha ng impormasyon sa internet, kahit ano ay pwedeng makita at mahanap. Kahit sino na ayaw at gusto mo ay pwede mong bigyan ng komento upang malaman nila ang sinasaloob mo. Ang malaking kaibahan lang ay ang pagdating ng anonymity, na ang internet lang ang makapagbibigay. Napakadaling manglait at manghusga sa internet nang hindi nalalaman na ikaw yon. Maraming buhay na ang kinitil ng sariling may ari dahil sa kaugaliang ito. Ang internet lamang ang nagturo nito.

Alam na nating lahat ang cyberbullying, pero dahil sa nangyari kay Christopher Lao, uminit nanaman ang dugo ko dito. Kung wala pang internet, siguro ay halos hindi lahat ay nakapanood ng balita at hindi malalaman ang kahihiyan na dinanas ni Lao dahil sa pagsisi sa gobyerno sa pangyayari sa kanyang kotse. Sa susunod na araw siguro ay wala nang may paki.

Ngunit ang internet na napakasamang enabler na ngayon ay pinalala at pinalaki sa ibang klaseng proporsyon ang storya ni Lao. Hindi man lang naisip na itong isang UP Summa Cum Laude ay punong puno ng galit dahil lumutang ang kotse kaya niya nasisi ng panandalian ang iba? Ganun naman lahat diba? Nabubulag ng galit. Pero bakit dumaan pa sa ibang klaseng kahihiyan si Lao? Bakit pati ang bakat niyang utong na wala namang ginagawa ay nagkaroon ng sariling Facebook page na nagkaroon ng ilang libong likes ng wala pang isang oras?

Anong sinasabi noon sa kung anong klaseng pagiisip meron ang tao ngayon?

 

So, what do you guys think? COMMENTS PLEASE THANKS

Advertisements

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s